Pandayan sa Daluyan 2.0 Workshop in Mindanao

Join Pandayan sa Daluyan 2.0 Workshop in Mindanao

15 April 2012

Magandang Araw!

Ang Computer Professionals’ Union (CPU) ay isang non-stock, non-profit na organisasyon at nagtataguyod ng Information and Communications Technology (ICT) tungo sa pakinabang ng malawak na mamamayan.

Sa suporta ng National Commission for Culture and the Arts at katuwang ang Kodao Productions, iniimbitahan namin kayong lumahok sa Pandayan sa Daluyan 2.0: New Media as a Community-Based Tool for Promoting and Developing Culture. Ito ay isang palihan hinggil sa pagsalin ng New Media (mga porma at teknolohiya ng midya na may katangiang “networked”) sa gawaing pangkulturang nakabase sa komunidad.

Hinihiling naming makapagbahagi kayo hinggil sa mga karanasan ng inyong organisasyon sa gawaing pangkultura sa pagsusulong ng iba't-ibang isyu ng mamamayan na gumagamit o nais gamitan ng mga makabagong teknolohiya sa internet.

Ito ay gaganapin sa Iligan City, Lanao del Norte mula May 4 hanggang 6, 2012. Ang detalye ng mga
aktibidad ay makikita sa website ng proyekto, http://daluyan.cp-union.com. Mag-register online dito .

Para sa mga katanungan, maaari kayong makipag-ugnayan kay Rick/Mabel sa (tel no) 02-440-1430 o sapandayan@cp-union.com.

Inaasahan namin ang inyong mainit at mabilis na pagtugon.

Maraming salamat po!

Naglilingkod,

Ricardo Bahague Jr.
Computer Professionals' Union

Jola Diones-Mamangun
Kodao Productions